20-anyos itinulak ng Nigerian, mula 15th floor ng condo, patay

Nakilala ang nadakip na si Uchenna Christian Ezah na pormal nang kinasuhan sa pagkamatay ng 20-anyos na si Mary Mae Garcellan.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Nigerian national kaugnay sa pagkamatay ng isang babaeng umano’y kanyang itinulak buhat sa high-rise building sa Muntinlupa City.

Nakilala ang nadakip na si Uchenna Christian Ezah na pormal nang kinasuhan sa pagkamatay ng 20-anyos na si Mary Mae Garcellan.

Base sa ulat ng Muntinlupa police, itinulak umano ng suspect ang biktima mula sa 15th floor ng condominium building sa Barangay Buli ng naturang lungsod.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng suspect sa nagawang krimen.

Show comments