Rollback sa presyo ng diesel, kerosene; Gasolina may pagtaas

Bahagyang tataas naman ang presyo ng gasolina na aabutin ng 27 centavos kada litro.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Inaasahan na ang big-time rollback sa ­presyo ng diesel at kerosene, habang may bahagya namang pagtaas sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

Ayon sa oil trading posibleng bumaba  ang presyo ng diesel ng P1.42 kada litro habang ang presyo ng kerosene naman ay bababa ng P1.23 kada litro.

Bahagyang tataas naman ang presyo ng gasolina na aabutin ng 27 centavos kada litro.

Sinasabing ang galaw ng presyuhan ng petroleum products sa world market ang sanhi ng oil price adjustment.

Tuwing  araw ng Martes naipatutupad ang pagbabago sa ­presyo ng petroleum products.

Show comments