774 units ng bus nabigyan ng special permit sa Undas

Commuters wait in long queues for a "Libreng Sakay" by the Department of Transportation at the EDSA Carousel Bus Station along Main Avenue on Monday morning, July 18, 2022.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Umaabot sa 774 units ng bus ang napagkalooban ng Land Transportation Franchising and Regularory Board (LTFRB) ng special permit para   magkapaghatid-sundo sa mga pasaherong tutungo sa mga lalawigan sa Northern  at Southern part ng Luzon ngayong panahon ng  Undas.

Ito ang sinabi ni Joel Bolano Hepe ng Technical Division ng LTFRB,

Tatagal umano sa loob ng 15 araw ng bisa ng special permit na nagsimula na noong Oktubre 20 hanggang November 6 na ito ay dahil sa panahon ng Undas at Barangay election.

Sinabi naman ni Jason Salvador, head Corporate Affairs and Govt Relations ng PITX na handa na sila sa  inaasahang aabutin na 1.6 milyong pasahero ang dadagsa sa terminal mula peak season sa October 27 hanggang November 6 .

Nagpaalala rin ito na maaga pa lamang ay mag-online booking na sa kanilang website para maiwasan na masabay sa mahabang pila ng mga  pasahero.

May mga help desk din anya na nakalagay sa PITX at on going drug test sa mga driver para sa mas ligtas na paglalakbay ng mga pasahero sa Undas at sa panahon ng BSKE.

Show comments