^

Metro

MRT-3, handa na sa ‘Oplan Biyaheng Ayos’

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3, handa na sa ‘Oplan Biyaheng Ayos’
Sa isang abiso, sini­guro rin ng MRT-3 na mas pinaigting pa nila ang seguridad sa buong linya, alinsunod na rin sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na siguruhing sapat at ligtas ang pampublikong transportasyon sa eleksyon sa Oktubre 30 at sa panahon ng Undas.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Para sa BSKE at undas

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na handang-handa na sila para sa ikinakasang ‘Oplan Biyaheng Ayos,’ bilang preparasyon sa pagdaraos ng 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at ng Undas.

Sa isang abiso, sini­guro rin ng MRT-3 na mas pinaigting pa nila ang seguridad sa buong linya, alinsunod na rin sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na siguruhing sapat at ligtas ang pampublikong transportasyon sa eleksyon sa Oktubre 30 at sa panahon ng Undas.

“Sinimulan na po natin ang pagpapairal ng mas mahigpit na seguridad sa MRT-3 upang matiyak ang tuloy-tuloy at ligtas na biyahe ng mga pasahero sa eleksyon at Undas,” saad ni DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

“Gayundin po, mayroon po tayong sapat na bilang ng mga kawani na handang umagapay sa mga pasahero at aksyunan ang kanilang mga hinaing kung kinakailangan,” aniya pa.

Dagdag pa ni Aquino, tuluy-tuloy rin ang maa­yos na pangangalaga nila sa kanilang mga bagon at ang pagde-deploy ng sapat na bilang ng mga tren upang mapagserbisyuhan ang mga pasahero lalo na sa kasagsagan ng barangay at SK elections at Undas.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroong 18 train sets na tumatakbo sa linya tuwing peak hours at nasa tatlo hanggang apat naman ang spare trains.

BSKE

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with