‘Oplan Baklas’ sa Quezon City rumatsada na

Umarangkada na kahapon ang ‘Oplan Baklas’ ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato na pasaway sa mga campaign materials. Kinatuwang ng Comelec ang MMDA at mga tauhan ng LGUs sa ginawang pagbabaklas.
Jesse Bustos)

MANILA, Philippines — Magkatuwang ang Commission on Elections (Comelec)-Quezon City  at QC Traffic Transport Management Department sa pagpapatupad ng ‘Oplan Baklas’ laban sa mga illegal campaign materials ng mga kandidato ng BSKE sa Oktubre 30.

Ayon kay Dexter Cardenas hepe ng QC-TTMD mula umaga ay nag-ikot na sila kasama ang  Comelec para galugarin ang mga lugar mula District 1 hanggang District 6 sa lungsod.

Anya ang mga binaklas na campaign materials ay yaong hindi nagsisunod sa tamang laki  kaysa  sa itinakdang size para dito ng Comelec.

Magpapatuloy ang ‘Operation Baklas’ para matulungan ang Comelec laban sa mga pasaway na kandidato.

Ang BSKE campaign ay nagsimula nitong Oct.19 at matatapos sa Oct. 28.

Show comments