‘Oplan Baklas’ sa Quezon City rumatsada na
MANILA, Philippines — Magkatuwang ang Commission on Elections (Comelec)-Quezon City at QC Traffic Transport Management Department sa pagpapatupad ng ‘Oplan Baklas’ laban sa mga illegal campaign materials ng mga kandidato ng BSKE sa Oktubre 30.
Ayon kay Dexter Cardenas hepe ng QC-TTMD mula umaga ay nag-ikot na sila kasama ang Comelec para galugarin ang mga lugar mula District 1 hanggang District 6 sa lungsod.
Anya ang mga binaklas na campaign materials ay yaong hindi nagsisunod sa tamang laki kaysa sa itinakdang size para dito ng Comelec.
Magpapatuloy ang ‘Operation Baklas’ para matulungan ang Comelec laban sa mga pasaway na kandidato.
Ang BSKE campaign ay nagsimula nitong Oct.19 at matatapos sa Oct. 28.
- Latest