^

Metro

Dating LTFRB executive assistant Tumbado, sumulpot na sa NBI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Dating LTFRB executive assistant Tumbado, sumulpot na sa NBI
Sa isinumiteng sworn affidavit sa NBI   ay pinabulaanan niya ang mga paratang na siya ay pinatalsik ni suspended LTFRB Chairman Guadiz dahil nanghihingi siya ng pera sa transport groups.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sumulpot na  kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dating executive assistant ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na si Jeff Tumbado na naunang nagbulgar ng katiwalian sa tanggapan.

Sa isinumiteng sworn affidavit sa NBI  ay pinabulaanan niya ang mga paratang na siya ay pinatalsik ni suspended LTFRB Chairman Guadiz dahil nanghihingi siya ng pera sa transport groups.

Sinabi rin nito sa kayang affidavit  na dati na ring siyang naging tauhan sa LTO ni Guadiz noong ito pa ang LTO chief at naisama sa LTFRB  noong ito ay maging LTFRB chairman bilang executive assistant  sa opisina nito.

Nagkaroon umano siya ng hindi pagkakaunawaan sa isa pang tauhan ni Guadiz sa LTFRB na si Marie Jho Borja  at sinabi niya ito kay Guadiz pero hindi siya pinakinggan at hindi kinausap nito.

Anya napasok siya sa LTFRB noong January 2023 at  nag-resign noong Setyembre 2023.

Sumama umano siya sa press conference ng transport group na Manibela noong October 9 at doon sinabi ang mga sama ng loob at iregularidad sa LTFRB.

Makaraan umano ng press conference ay ki­nausap siya ni Guadiz at hiningi sa kanya na ibalik ang magandang reputasyon at ito anya ang dahilan ng kanyang recantation.

Niliwanag  pa ni Tumbado sa kanyang affidavit sa NBI na hindi niya inaasahan ang mga nagawa  at hindi niya  ito  intensyon. Sa huli anya ng pag-uusap nila ni Guadiz ay nagkapatawaran sila sa isat isa.

Inamin ni Tumbado na hindi ligtas sa   bahid ng korapsyon ang LTFRB  kaya’t siya ay nanawagan sa kinauukulan na imbestigahan ito.

Nilinaw din niya na ang  korapsyon sa LTFRB ay  hindi umaakyat sa DOTr at Malakanyang.

vuukle comment

LTO

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with