^

Metro

Buwis sa Quezon City, ‘di tataas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Buwis sa Quezon City, ‘di tataas
A vendor shows well-milled rice sold for P41 per kilo and premium rice for P56 per kilo sold at a store in Commonwealth Market, Quezon City on September 6, 2023.
Michael Varcas

Kahit may inflation

MANILA, Philippines — Walang magaganap na pagtataas sa singil sa buwis sa Quezon City hanggang sa pagtatapos ng taong kasalukuyan at sa pagsisimula ng   taong 2024.

Ito ang tiniyak ni QC treasurer Edgar Villanueva kahit na anya may inflation sa bansa.

Ayon kay Villanueva, hindi pa naman sila nagkukulang sa pondo at sapat pa ito hanggang sa matapos ang taong ito at kung kulangin man dahil sa patuloy na inflation ay mayroon naman silang inaasahang income mula sa last quarter  collections ngayong taon at marami ring business owners ang nag-a-advance ng bayad sa business tax para sa taong 2024.

Wala anyang epekto ang inflation sa QC at patuloy na naipatutupad ang magagandang proyekto sa lungsod sa ilalim ng pangangasiwa ni QC Mayor Joy ­Belmonte.

Inanunsyo rin ni Villanueva na mula sa P33.5 bilyong pondo ngayong taon ay bahagyang itataas nila sa P39.7 Bilyon ang QC budget para sa 2024.

Anya ang kasaluku­yang pondo ay hindi na akma sa tumataas na halaga ng bilihin kaya’t may bahagyang pagtaas ang proposed budget sa 2024 kaya’t kung magpatuloy ang inflation ay hindi nila  ipapasa sa QCitizens ang epekto nito bagkus ay higit pang palalakasin ang mga programang magpapaunlad sa kabuhayan ng mga taga QC.

Anya ang malaking bahagi ng budget sa susunod na taon ay pa­ngunahing laan sa social services gaya ng mga programang pabahay, pangkalusugan at iba pa.

Ang pinakamalaking pondo ng QC government ay ilalaan sa pabahay dahil nais ni Mayor ­Belmonte na wala nang informal settlers at lahat ng taga QC ay may sariling bahay .

INFLATION

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with