^

Metro

Taas-singil sa toll sa SCTEX, epektibo na ngayong Martes

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taas-singil sa toll sa SCTEX, epektibo na ngayong Martes
Kasunod na rin ito nang pag-apruba ng TRB sa toll rate hike petition na inihain ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation noong 2020 at 2022.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Toll Regulatory Board (TRB) na epektibo na ngayong araw, Martes, Oktubre 17, ang taas-singil sa toll fee para sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Kasunod na rin ito nang pag-apruba ng TRB sa toll rate hike petition na inihain ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation noong 2020 at 2022.

Alinsunod sa toll rate hike, nabatid na P25 ang dagdag sa toll fee ng mga Class 1 vehicles na bumibiyahe sa pagitan ng Tarlac City patungong Mabalacat, Pampanga; P50 naman sa mga Class 2 vehicles at P75 para sa mga Class 3 vehicles.

Para sa mga bumibiyahe naman sa pagitan ng Mabalacat at Tipo, Hermosa, Bataan, ang mga Class 1 vehicles ay madaragdagan ng P40 sa kanilang bayarin sa toll; P81 sa Class 2 at P121 naman sa Class 3.

Samantala, ang mga bumibiyahe naman ng end to end, mula Tipo, Hermosa, Bataan hanggang Tarlac City ay magbabayad ng dagdag na P65 para sa Class 1 vehicles; P131 para sa Class 2; at P196 para sa Class 3 vehicles.

Sinabi ng NLEX Corp. na ang masisingil nila sa toll rate adjustments ay gagamitin nila sa pag-operate at pagmamantine ng SCTEX, alinsunod sa kinakailangang antas ng serbisyo at standards, gayundin sa pagsusulong ng mga kinakailangang improvements at expansion works para na rin sa kapakanan ng mga tollway users.

Pagtiyak pa ng kompanya, ang provisionally approved na toll fees ay sumailalim sa masusi at metikulosong pagrepaso ng TRB.

Tumalima rin anila ang NLEX Corp. sa lahat ng itinatakdang procedures at requirements, kabilang na ang paglalathala at paghahain ng surety bond, bago ang Notice to Start Collection na inisyu noong Agosto 16, 2023.

Dagdag pa ng NLEX Corp., ang naturang provisional toll rate adjustments ay isasailalim pa rin umano sa higit pang pagrepaso ng TRB alinsunod sa umiiral na mga panuntunan.

NLEX

SCTEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with