Rollback sa diesel tuloy, presyo ng gasolina tataas

Stock image of a gasoline station.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng magkakaibang galaw sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa kung saan tuloy ang rollback sa diesel at kerosene, habang tataas naman ang presyo ng gasolina.

Sa advisory ng Pilipinas Shell Petroleum Corp, Caltex, at Seaoil Philippines Corp., parehong bababa ang ­presyo ng kanilang diesel at kerosene ng P.95 sentimos kada litro.
Magtataas naman ang mga kompanya ng P.55 sentimos sa kada litro ng gasolina.

Kaparehong pagbababa rin sa diesel at pagtataas sa gasolina ang ikakasa ng Cleanfuel, PetroGazz at ng PTT sa hiwalay nilang advisory.

Inaasahan na maipatutupad ang price adjustments dakong alas-12:01 ng madaling araw at alas-6 ng umaga sa ibang kumpanya.

Ang naturang galaw sa presyo ng petrolyo ay makaraan ang malakihang rolbak noong Oktubre 10 kung kailan binawasan ng P3.05 ang litro ng gasolina, P2.45 sa diesel at P3 sa kerosene.

Dahil sa panibagong galaw sa presyo ng petrol­yo, naitala sa P12.25 kada litro ang naitaas sa gasolina mula nitong Enero 1, P11.35 kada litro sa diesel at P5.94 sa kerosene.

Show comments