Dahil sa transport strike
MANILA, Philippines — Kasunod ng napipintong nationwide transport strike ng grupong Manibela ngayong Oktubre 16, nagpasya ang Marikina City government na suspendihin ang klase ng mga estudyante sa mga paaralan sa lungsod.
Ayon sa Marikina City Government, na pinamumunuan ni Mayor Marcelino Teodoro, layunin nitong matiyak na ligtas at kumbinyente ang mga estudyante at ng general public.
Nabatid na suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, sa pang-pribado at mga public educational institutions, na nasa kanilang hurisdiksiyon.
“In light of the imminent Nationwide Transport Strike scheduled for Mo-face classes at all levels, both in private and public educational institutions within our jurisdiction,” anang abiso ng lokal na pamahalaan.
“As such, classes will transition to asynchronous learning for the aforementioned date,” dagdag ng Marikina LGU.