MANILA, Philippines — Napalitan na ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang may kabuuang 224 kilometrong tubo ng tubig na mga luma, undersized at sirang pipelines sa Caloocan City.
Ang P829 milyong pipe replacement project na ito ng Maynilad na sinimulan noong 2019 ay kapapalooban ng total replacement ng primary, secondary at tertiary pipelines sa 20 barangay sa Caloocan.
Ilan sa mga tubo ng tubig ay may 70-taon nang hindi napapalitan ay nagdulot nang leak kaya humina ang pressure sa naturang mga lugar.
Dahil sa completion ng proyektong ito, tiniyak ng Maynilad na magkakaroon na ng improvement sa pagkakaroon ng sapat na tubig sa lungsod.
Mayroong 6 na milyong litro ng tubig ang nareboker kada araw ng Maynilad makaraang mapalitan ang mga luma at sirang water pipelines dito.
“We actually aim to replace a total of 244 kilometers of old pipelines in Caloocan City, so the 224 kilometers of pipes replaced brings us to 92% of our target. Simultaneously, we are also conducting pipe replacements in other cities where water loss is high. In this way, we can accelerate volume recovery and boost available supply for distribution during El Niño,” sabi ni Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez.
Ang Maynilad ay may alokasyon na P11 bilyon para sa pipe replacement projects mula 2023 hanggang 2027 para sa pagpapalit ng may 477.2 kilometers ng mga luma, sirang pipelines.