MANILA, Philippines — Naharang ng mga tauhan ng drug enforcers units sa Ninoy Aquino International Airport ang isang Malaysian national na nasamsaman ng may 3.722 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P25.3 milyon .
Ang Malaysian traveller, na galing sa Madagascar via Addis Ababa ay sakay ng Ethiopian Airlines Flight ET 644, ay nahulihan ng shabu na nakasiksik sa kanyang bagahe.
Noong nakaraan buwan dalawang mag-inang Singaporean national ang nahuli sa airport na may dalang cocaine na may halagang P76.1 milyon galing Doha, Qatar.