^

Metro

Meralco, ready na sa BSKE

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Meralco, ready na sa BSKE
Electrical linemen conduct maintenance check on electric posts along BIR Road in Diliman, Quezon City on August 7, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang Manila Electric Company (Meralco) upang magbigay ng serbisyo para sa idaraos na October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, nakaalerto ang Meralco 24/7, sa araw ng halalan, upang rumes­ponde sa anumang distribution related problems, hanggat hindi pa natatapos ang pro­seso ng eleksiyon.

Nakaantabay na rin aniya ang kanilang mga tauhan upang tumugon sa anumang electricity service concern sa panahon ng halalan.

Nabatid na nakapag-inspeksiyon na rin ang Meralco ng kanilang mga electric facilities na malapit sa may 3,000 polling at canvassing centers.

Samantala, mahigit sa 300 generator sets at halos 800 floodlights na anila ang nakaantabay sa ngayon na maaa­ring magamit sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang power interruption.

Kaugnay nito, pinaa­lalahanan din ng Me­ralco ang personnel na magbabantay sa mga polling at canvassing centers na iwasan ang pagsasaksak ng mga hindi kinakailangang appliances, gayundin ang mga “octopus” connections na maaaring magresulta sa overloading.

Hinikayat din ng electric company ang publiko na iwasan ang paggamit ng mga lobo, firecrackers, confetti, party poppers, at mga kahalintulad nito, malapit sa linya at pasilidad ng Meralco upang maiwasan ang line tripping at power interruptions.

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->