^

Metro

Pura Luka Vega, nakapagpiyansa na!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pura Luka Vega, nakapagpiyansa na!
Filipino drag queen Pura Luka Vega is detained at the Manila Police District Station 3 on Thursday after their arrest last October 4, 2023.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nakalabas na ng bilangguan ang drag artist na si Pura Luka Vega makaraang makapaghain ng piyansa sa Manila City Regional Trial court kahapon.

Kinumpirma ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3 ang paglabas sa bilangguan ni Amadeus Fernando Pagente, totoong pangalan ng drag artist, nang maghain na ng P72,000 na piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Matatandaan na ­inaresto si Pagente sa kaniyang bahay sa Sta. Cruz ng mga tauhan ng MPD dahil sa warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at Article 201 ng Revised Penal Code kaugnay ng kaniyang naging drag performance sa paggaya sa Itim na Nazareno at punk version niya ng Catholic song na “Ama Namin.”

Nabatid na nitong Biyernes sana mapipiyansahan si Pagente ngunit inabutan sila ng pagsasara ng korte kaya naantala ito.

Nanggaling umano ang pera na ipinampiyansa kay Pagente sa kontribusyon ng kaniyang mga tagasuporta. Umabot na umano sa kahalating milyong piso ang kanilang natanggap na donasyon, ayon kay Rod Singh, isang direktor.

Sinampahan si Pagente ng kaso ng mga deboto ng Itim na Nazareno na mas kilala sa tawag na Hijos Del Na­zareno.

PNP

WARRANT OF ARREST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with