^

Metro

2 bus na nakaparada sa terminal, nagliyab

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 bus na nakaparada sa terminal, nagliyab
Two passenger buses bound for Samar, Leyte caught fire at the terminal in Sta. Cruz, Manila on October 4, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dalawang bus ang nagliyab habang nakaparada sa kanilang terminal sa Sta. Cruz, Manila kahapon ng umaga.

Hindi na halos mapakinabangan ang dalawang bus ng Eagle Star dahil sa matinding pinsalang tinamo ng mga ito matapos na lamunin ng apoy.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-8:00 ng umaga nang bigla na lamang magliyab ang Bus No. 5382, na may plakang AQA-9872 habang nakaparada sa kanilang terminal sa 2121 Dimasalang St., sa Sta. Cruz.

Dahil sa lakas ng apoy ay nadamay naman sa sunog at nag­liyab din ang Bus No. 5482 na may plakang NAR-1389, na katabi lamang nito.

Nadamay rin sa sunog ang dalawang motorsiklo na may plakang SP 2401 at 4472 UW.

Wala namang nasaktan o nasawi sa insidente dahil walang pasahero ang mga bus nang magliyab ang mga ito.

Nabatid na alas-9:00 ng umaga nang tuluyang maapula ang apoy ng mga rumespondeng bumbero.

Iniimbestigahan pa ng Arson ang dahilan kung papaano nag­liyab ang dalawang bus na nakagarahe at inaalam din ang ha­laga ng na­pinsalang bus.

BUS TERMINAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with