^

Metro

PNP tatanggap ng higit 6K bagong pulis  

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP tatanggap ng higit 6K bagong pulis   
Police officers gather at the Manila Police District headquarters in UN Avenue, Manila during the flag raising and awarding ceremony on April 25, 2022.
STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Tatanggap na muli ng  mahigit 6,000 pulis ang Philippine National Police (PNP) alinsunod sa kanilang quota sa ilalim ng PNP 2023 Recruitment Program.

Nabatid na aprubado na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pag-recruit ng mga bagong pulis. Nangangailangan ang  PNP ng 6,501 na bagong pulis.

Sa hanay ng NCRPO, kailangan nito ng 2,101 na bagong pulis, 600 naman sa Provincial Regional Office 3(PRO3) at 400 sa Region 4A.

Para sa mga nais mag-apply na maging pulis, ilan sa mga requirements ay ang pagkakaroon ng college degree at eligibility kabilang na ang PNP Entrance Examination (NAPOLCOM); Career Service Professional (Civil Service Commission);R.A. No. 1080 (Bar and Board Examination); R.A. No. 6506 (Licensed Criminologist); P.D. 907 (Civil Service Eligibility to College Honor Graduate) at Police Officer Exam (Civil Service Commission).

Kailangan ding may taas na 1.57 metro ang mga lalaki at 1.52 metro ang mga babae at  nasa 21-30 taong gulang at may good moral character.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with