^

Metro

‘Banda ng Maynila’ ia-upgrade ng Manila LGU

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
‘Banda ng Maynila’ ia-upgrade ng Manila LGU
Ang magandang ba­lita ay inanunsiyo mismo ng alkalde nang pangunahan ang pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng “Banda ng Maynila” na idinaos sa pamamagitan ng isang konsiyerto sa Bonifacio Shrine na pinamagatang “Sisentarenata”.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna na ang nagkumpirma na plano ng pamahalaang lungsod na i-upgrade ang mga musical instruments ng Manila City Band, o mas kilala bilang ‘Banda ng Maynila’.

Ang magandang ba­lita ay inanunsiyo mismo ng alkalde nang pangunahan ang pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng “Banda ng Maynila” na idinaos sa pamamagitan ng isang konsiyerto sa Bonifacio Shrine na pinamagatang “Sisentarenata”.

Bukod kay Lacuna, ang selebrasyon ng banda ay dinaluhan nina Department of Tourism Culture and Sports of Manila (DTCAM) director Charlie Dungo, Vice Mayor Yul Servo,  mga city councilors at officials, at iba pa.

Sa kanyang maikling mensahe, sinabi ni Lacuna ang plano niyang pag-upgrade sa mga musical instruments na ginagamit ng banda upang patuloy na makapaghatid ng magandang performance at makapagkaloob ng madamdaming mga musika sa mga aktibidad ng lungsod.

“Bilang pagsasara ng tabing sa pagdiriwang ng Buwan ng Turismo, bi­nibigyan natin ng halaga ang 60-taong ambag ng ating Banda ng Maynila. Anim na dekada na silang nagbibigay serbisyo sa ating lungsod sa pamamagitan ng kanilang musika na kasama sa mga mahahalagang okasyon at palatuntunan ng pamahalaang lungsod,” ayon pa sa alkalde.

Ani Lacuna, ang bawat musical performance ng Banda ng Maynila, na pinangungunahan ni Maestro Daniel Quianzon ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng damdamin na hindi kayang ipakita ng mga salita lamang.

HONEY LACUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with