Valenzuela Epidemiology Unit, 8-oras na lang ang ops
Sa pagbaba ng COVID-19 cases
MANILA, Philippines — Simula ngayong araw, Oktubre 2, lilimitahan na ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (VCESU) sa walong oras ang kanilang operasyon.
Base sa abiso ng Valenzuela local government unit (LGU), magbibigay na lamang sila ng serbisyo sa publiko mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.
Ito ay mula sa dating 24 na oras na operasyon sa loob ng isang linggo o 24/7 na ipinatutupad ng LGU sa panahong dagsa ang kaso ng COVID-19.
Binago ang shifting dahil sa patuloy nang pagbaba ng COVID-19 cases sa lungsod.
Batay sa huling ulat ng VCESU, nasa 23 na lang ang bilang ng COVID-19 active cases mula sa 43,935 confirmed cases sa lungsod ng Valenzuela.
- Latest