Pagbaha sa Metro Manila dahil sa baradong drainages - MMDA
MANILA, Philippines — Ang mga baradong drainages pa rin sa Kamaynilaan ang pangunahing dahilan ng naranasang pagbabaha sa maraming lugar nitong nakaraang linggo, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni MMDA Traffic Enforcement Group Director Atty. Victor Nuñez na kinalampag na niya ang mga pinuno ng mga traffic management team na magkusa nang tingnan ang mga drainage kapag umuulan para agad na maaksyunan ng kanilang flood control team.
Ito ay makaraang makaranas ng matinding pagbubuhol ng trapiko ng halos buong linggo dahil sa mga baha na umabot sa ilang lugar ng hanggang hita.
“We called the attention of heads na kapag alam na nila ‘yung panahon, dapat they have to check ‘yung mga drainage kapag may nakabara and to call the command center para ma-inform ang aming flood control team,” ayon kay Nuñez.
Sa ngayon, nagpulong na ang matataas na opisyal ng MMDA para sa pagbuo ng ‘flood mitigation strategy’ at paghahanda ng mga alternatibong ruta oras ng matinding trapiko na idudulot ng pagbabaha.
- Latest