Clearing ops sa sidewalks, pamilihan ng Caloocan inilarga

MANILA, Philippines — Upang masiguro na ligtas at malinis ang mga kalsada, nagsagawa ng clearing operations ang Public Safety and Transportation Management Department (PSTMD) ng lungsod ng Caloocan sa Simon Flea Market at 10th Avenue Motorcycle Parts and Accessories area.

Ayon kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, kailangan na walang anumang obstruction at illegal vendor samga sidewalks na maaaring makaapekto sa daloy ng trapiko.

Maging si Caloocan City Police chief Col. Ruben Lacuesta ay handang umayuda sa PSTMD upang tuluy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan partikular sa mga traffic prone areas.

Sinabi ni Malapitan na ang mga bangketa ay dapat na inilalaan sa mga naglalakad at huwag nang hintayin pa ang disgrasya.

Ani Malapitan nais lamang niya ay kooperasyon ng publiko upang mapanatiling maayos, malinis at ligtas ang lungsod.

Bukod sa clearing operations, mahigpit ding ipatutupad ng PSTMD  ang  Single Ticketing System sa lungsod.

Show comments