MMDA nagluluksa sa pagpanaw ni Bayani Fernando
MANILA, Philippines — Nagluluksa rin ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa biglaang pagpanaw ng dati nilang chairman na si Bayani Fernando na namuno sa ahensya mula 2002 hanggang 2009.
Sa pahayag ng ahensya, gumamit si Fernando ng parehong siyentipiko at praktikal na pamamaraan sa pagresolba niya sa mga problema sa Metro Manila.
“A man of few words, Fernando is known to be a workaholic and a disciplinarian among MMDA employees,” ayon sa ahensya.
Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, nailagay sa ‘spotlight’ ang MMDA dahil sa mga kontrobersyal niyang polisiya.
Si Fernando ang nasa likod ng idea na ‘rapid bus lanes’, ‘Metro Gwapo’ campaign’, ‘Gwapotel’, at siya rin ang naglagay ng mga pink na bakod sa EDSA, mga signages tulad ng ‘Walang Tawiran, Nakamamatay’ at ‘Bawal Tumawid, May Namatay na Dito”, maging ang pagbibigay ng deodorant sa mga bus at jeepney drivers.
“Thank you very much for your contributions. Rest now, Sir, for you already got the job done,” dagdag pa ng MMDA.
- Latest