^

Metro

8 health center ng Makati at OSMA ‘di ibibigay ng Makati sa Taguig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niliwanag ng City Legal Office ng Makati City na hindi iti turn over ng lokal na pamahalaan ang walong Health Center ng Department of Health sa pangangasiwa ng Taguig City.

Sa ginanap na  round table discussion sa Unibersidad de Manila tungkol sa  Makati-Taguig Dispute, sinabi ni Atty. Michael Arthur Camina, head City Legal Department ng Makati na hindi nila iti-turnover sa Taguig ang naturang mga health center ng Makati na nasa loob ng pinagtalunang 10 EMBO barangay kung walang mamamagitang memorandum of agreement sa pagitan ng dalawang lungsod.

Takda sanang ibigay na ng Makati sa Taguig ang pamamahala sa 8 health center sa September 30 sa pakikipagtulungan ng DOH dahil sa desisyon ng Korte Suprema na ang EMBO barangays ay sakop ng lokal na pamahalaan ng Taguig.

Hindi rin anya ipagkakaloob ng Makati LGU sa Taguig ang Ospital ng Makati bagkus ay pauupahan lamang ito ng Makati sa Taguig kung nais gamitin ang ospital ng mga Taguig residents.

Problema anya hindi man lamang nakikipag-usap ang Taguig Legal office sa Makati Legal Office para maisagawa na ang pormal na pag-takeover ng Taguig sa mga EMBO barangays.

Kaugnay nito sinabi naman ni Atty. Goerge Matthew Habacon na dapat ay maipalabas na ang final writ of execution upang maisaayos na ang pormal na paglilipat ng pangangasiwa ng Taguig LGU sa EMBO barangays ng Makati.

Sinabi naman ni Atty. Vien Lawrence Cabato na dapat ding kumilos ang Kongreso para sa paglusaw ng District 2 ng Makati na kinaroroonan ng 10 EMBO barangays.

Kailangan din anyang kumilos na ang Taguig sa usa­pin ng pagsasalin sa kanila ng EMBO barangays dahil maaaring magdudulot ito ng confusion ng mamamayan ng lungsod lalo pa’t malapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

HEALTH CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with