^

Metro

LRT-1 Baclaran station, nagpapalit ng tracks

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-1 Baclaran station, nagpapalit ng tracks
Sa anunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang private operator ng LRT-1, ang naturang aktibidad ay magtatagal hanggang sa Setyembre 24, bilang bahagi ng nagpapatuloy na railway upgrade program.
STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon, Setyembre 20, ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang pagsasagawa ng “rail replacement activities” sa reversing o turnback area ng Baclaran Station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Sa anunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang private operator ng LRT-1, ang naturang aktibidad ay magtatagal hanggang sa Setyembre 24, bilang bahagi ng nagpapatuloy na railway upgrade program.

“Heads up, mga ka-riles! Magkakaroon ng pagpapalit ng tracks sa bahagi ng #LRT-1 Baclaran Station (rever­sing o turnback area ng nga tren) bilang bahagi pa rin ng tuloy-tuloy na pagsasaayos ng LRMC para sa mas ligtas at maaasahang sistema ng LRT-1,” abiso ng LRMC.

Ayon sa LRMC, isinarado nila ang bahagi ng Baclaran reversing tracks upang makumpleto ang kinakailangang engineering works ng episyente at ligtas.

Gayunman, ito anila ay tiyak na magreresulta sa ilang limitasyon sa galaw ng mga tren, gayundin sa train deployment, at paggamit ng station platforms para sa mga loading at unloading passengers.

Dagdag ng LRMC, inaasahan din nilang magkakaroon ito ng impact sa train timetable ng LRT-1, gayundin sa headway, o yaong time interval sa pagitan ng dalawang magkasunod na tren, na mas tatagal at magiging 5-minuto mula sa kasalukuyang apat na minuto lamang.

Inaasahan naman ng LRMC na mababalik sa normal ang operas­yon ng LRT-1 sa Lunes, Setyembre 25.

LRMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with