‘Walang taas-presyo ng isda sa bansa’
MANILA, Philippines — Maraming isda sa Pilipinas kaya’t walang anumang magaganap na pagtataas sa presyo ng mga isda sa bansa.
Ito ang binigyang diin sa isang media forum sa Quezon City ni Danilo Fausto, pangulo ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc.
Ayon kay Fausto, hindi nababago ang presyo ng iba’t ibang uri ng isda sa bansa dahil walang kakulangan sa demand dito ng mamamayan.
Kaugnay nito, sinabi ni Fausto na pabor din ang private sector sa close season dahil sa mga strategic areas lamang ito naisasagawa. Aniya, sa isang kilometrong karagatan ay may 250 toneladang isda ang napo-produce sa isang taon.
Samantala, hinikayat nito ang pamahalaan na magsampa ng environmental case laban sa China dahil sa pagwasak sa coral reef sa West Philippine Sea. Aniya, pag-aari ito ng Pilipinas kaya’t walang karapatan ang China na wasakin ang bahay ng mga isda.
- Latest