Ginang huli sa P131K halaga ng liquid marijuana

Ang suspek ay nakilalang si Alessandra Baclao, 23, ng Kaunkaran St. Brgy. Commonwealth.

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga tauhan ng Quezon City Police ang isang ginang makaraang makumpiskahan na nasa P131,000 halaga ng liquid marijuana na nakahalo sa Vape products sa isinagawang entrapment operation sa Novaliches.

Ang suspek ay nakilalang si Alessandra Baclao, 23, ng Kaunkaran St. Brgy. Commonwealth.

Ayon kay P/Lt.Col Jerry Castillo, station commander ng Novaliches Police, ikinasa ang operasyon matapos silang makatanggap ng report tungkol sa operasyon ng suspect.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng liquid marijuana kung saan nang magkaabutan ay doon na dinakip ng mga pulis ang suspek.

Nasamsam sa ginang ang  ilang box ng Vape products na doon inilagay ang liquid marijuana.

“Itong Vape products na nakuha natin sa suspek ay may  nakahalo nang liquid  marijuana na may 1,000 milligram na masyadong mataas na sangkap na droga na galing sa ibang bansa”,  ayon pa kay Castillo.

Ayon sa suspek kinukuha ang droga sa Region 3. Nakatakda itong sampahan ng kaukulang kaso.

Show comments