MANILA, Philippines — Labingwalong barangay sa Navotas City ang nakiisa sa isinagawang simultaneous coastal cleanup drive bilang pakikiisa sa selebrasyon ng 2023 International Coastal Cleanup Day sa mga bansa sa mundo.
Nasa 700 indibiduwal ang lumahok sa event, kabilang ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod, national government agencies, Barangay officials and staff, mga estudyante, guro, non-government organizations, at mga kinatawan mula sa mga pribadong institusyon.
Pinasalamatan naman ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang pakikiisa at disiplina para sa lahat ng mga lumahok sa mga aktibidad na nagbayanihan sa paglilinis ng komunidad.
“Navotas is a coastal city, and a large portion of our population depends on fishing for their income. Keeping the sea and other bodies of water clean is imperative in helping our kababayans maintain their livelihood. Let us make cleanliness a part of our lifestyle,” ayon sa alkalde.
Ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ay nagsagawa rin ng kampanya sa lahat ng barangays upang itaas ang kamalayan tungkol sa wastong pamamahala ng solid waste segregation-at-source.