Driver ng SUV sa Valenzuela road rage, kinasuhan

Kaalinsabay naman nito ay sinampahan na ng kasong grave threats at alarm and scandal sa piskalya ang suspect na si Marlon Malabute.
WES Gatchalian / Facebook page

Pinasusuko ni Gatchalian

MANILA, Philippines — Pinasusuko ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang driver ng Toyota Fortuner na nakagitgitan ng taxi driver at kinasahan nito ng baril noong Agosto 19 sa Bignay Punturin sa Valenzuela.

Kaalinsabay naman nito ay sinampahan na ng kasong grave threats at alarm and scandal sa piskalya ang suspect na si Marlon Malabute.

Sa ginanap na press conference kahapon, hinarap naman sa media ni Gatchalian ang taxi driver na si Henry Ong, Jr. kasabay ng panawagan kay Mala­bute na driver ng Toyota Fortu­ner na may plakang NBB-3135 na ­ilantad na ang kanyang  sarili at gamit na baril na caliber 9mm.

Rehistrado ang baril ni Malabute ayon sa Firearms and Explosives Office (FEO) ng PNP.

Sa ngayon, sinabi ni  Gatchalian na nagtatago si Malabute na isang  negosyante bagama’t nakipag-ugnayan na ang  Valenzuela City Police sa mga kamag-anak at kaibigan nito.

Patuloy din ang apat na tracker team ng Valenzuela City police sa paghahanap sa posib­leng kinaroroonan ni Malabute.

Samantala, kapansin pansin ang ‘tipid’ na sagot ni Ong sa kung ano ang pinagmulan ng paglalabas ng baril ni Malabute. Nakita sa dash cam na unang nagtalo si Malabute at Ong nang makasagian hanggang sa bumalik at kinuha ng una ang kanyang baril sa SUV.

Ayon kay Ong hindi siya nakapagreklamo sa pulis at barangay dahil sa takot. Hindi na rin nakakapamasada si Ong dahil sa takot.

Kaugnay nito, sinabi ni Gatchalian na tutulu­ngan nila si Ong na magkaroon ng legal counsel sa pagsasampa ng kasong grave threat.

Show comments