Taas-presyo uli sa petrolyo lalarga sa susunod na linggo

Ayon sa mga oil players, aabutin ng 30 hanggang 60 centavos ang posibleng itaas sa kada litro ng diesel, habang maglalaro sa 10 hanggang 40 sentimos ang itataas sa kada litro ng gasolina, samantalang aabutin sa 20 hanggang 50 sentimos sa kada litro ang taas sa presyo ng kerosene.
KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — May panibago na namang pagtaas sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga oil players, aabutin ng 30 hanggang 60 centavos ang posibleng itaas sa kada litro ng diesel, habang maglalaro sa 10 hanggang 40 sentimos ang itataas sa kada litro ng gasolina, samantalang aabutin sa 20 hanggang 50 sentimos sa kada litro ang taas sa presyo ng kerosene.

Sinasabing ang bagong price adjustment ay dulot ng isang linggong galaw ng presyuhan ng petrolyo sa merkado dahil sa oil export cut ng Russia at Saudi Arabia hanggang Disyembre at oil export cut ng Russia ay umaabot sa 300,000 barrels per day production.

Tuwing martes ipinatutupad ng mga oil companies ang price adjustment sa petrolyo.

Show comments