^

Metro

Nagbigay ng maling impormasyon sa SIM card registration, mananagot – NTC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Nagbigay ng maling impormasyon sa SIM card registration, mananagot – NTC
Vendors display their SIM card products in Tayuman, Manila. The government has called on Filipinos to register their SIM cards before the deadline of the extended SIM card registration on July 25, 2023.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Nagbanta ang National Telecommunications Commission (NTC) na parurusahan nito at ipakukulong  ang sinumang indibiduwal na nagbigay ng ma­ling impormasyon sa isinagawang SIM card registration sa bansa.

Ito ang ibinabala ni NTC Commissio­ner Jon Paulo Salvahan  nang makarating ang report sa kanya na ang  SIM enrollment system ay nakatanggap ng litrato ng isang unggoy (monkey) sa isinagawang registration  kahit na dumaan sa kanilang  screening process.

Sinabi ni Salvahan na inatasan na ng  NTC ang telco companies na magsumite ng data ng  katulad na pangyayari o nakakita ng anumang fraudulent o fictitious registration upang makagawa ng kaukulang hakbang para dito.

Bumuo na anya ang ahensiya ng isang technical working group upang mapaigting pa ang implementing rules and regulations ng batas hinggil dito.

Ang sinumang mapapatunayang indibidwal na nagbigay ng maling impormasyon sa Simcard registration at nagbenta ng pre-registered SIM sa ibang tao ay maaa­ring makulong ng mula 6 na buwan hanggang 2 taong pagkabilanggo at multang mula  P100,000 hanggang  P300,000.

NTC

SIM CARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with