^

Metro

Palengke sa Quezon City, sinuyod nina mayor Joy, DILG, MMDA at DTI

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Palengke sa Quezon City, sinuyod nina mayor Joy, DILG, MMDA at DTI
Pinangunahan nina QC Mayor Joy Belmonte, DILG Sec. Benhur Abalos, DTI Asst. Sec. Agaton Uvero at MMC President San Juan City Mayor Francis Zamora ang joint monitoring sa unang araw ng pagpapatupad ng price ceiling ng bigas sa Nepa Q-Mart sa Quezon City kahapon.
Michael Varcas

Sa unang araw ng ‘rice price ceiling’

MANILA, Philippines — Magkakasamang umikot sa mga palengke sa Quezon City sina Mayor Joy Belmonte kasama sina Interior Secretary Benhur Abalos Jr., DTI Asst Secretary Agaton Uvero, MMDA Chairman Romando Artes, MMC Head at San Juan Mayor Francis Zamora para silipin kung natutupad sa mga pamilihan sa lungsod ang rice price ceiling.

Kahapon ang unang araw ng implementasyon ng Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na nagtatakda ng price ceiling na P41 sa kada kilo ng regular-milled rice at P45 naman sa well-milled rice sa bansa.

Tiniyak naman ni Mayor Belmonte na mayroong tulong ang lokal na pamahalaan sa mga maaapektuhang rice retailer sa lungsod.

“May instruction sa aming mga Metro Manila Mayors is to try our best to find ways para maibsan ang epekto sa ating mga rice retailers. So binanggit ni DILG na magbigay ng diskuwento o pag-waive ng rent at handa po ang lungsod Quezon na gawin lahat ito.

Bukod diyan, mayroon din po tayong ayuda dahil mayroon talaga kaming budget para sa mga crisis situation para sa mga negosyo, we will activate that and we will give assistance na karagdagan pa sa ibinibigay ng national government,“ sabi ni Mayor Belmonte.

Niliwanag naman ni Secretary Abalos sa mga retailers na walang dapat ikatakot kung hindi agad masusunod ang kautusan dahil information drive ang paiiralin at walang huhulihin o kakasuhan sa unang araw ng implementasyon ng EO. Hinikayat din nito ang mga retailer na magbukas dahil nagsisimula nang mangalap ang DTI ng listahan ng mga retailer na apektado ng EO at dapat na bigyan ng tulong ng pamahalaan kasabay ang tuluy-tuloy na operasyon ng pamahalaan laban sa mga nananamantalang trader.

Sa Nepa Q Mart ay pinilahan ng maraming mamimili ang bentahan ng P45 na kada kilo ng well-milled na bigas.

Ayon kay Renato Abauag, Admin ng Nepa Q Mart, sila na ang nangunang maglagay ng ilang pwesto sa bungad ng palengke kung saan maaaring makapagbenta ng murang bigas ang mga retailers bilang pagtalima sa EO 39.

Limitado lamang sa limang kilo ang maximum na maaaring bilhin dito ng mamimili o hanggang may P225 halaga lamang.

DILG

DTI

MMDA

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with