^

Metro

Ilang bahagi ng Metro Manila, lumubog sa baha

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ilang bahagi ng Metro Manila, lumubog sa baha
Sinagupa ng mga commuters ang matataas na baha sa may Taft Avenue sa Maynila kahapon ng umaga dahil sa walang tigil na mga pag-ulan.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Muli na namang lumubog sa baha ang ilang parte ng Metro Manila dahil sa halos walang tigil na buhos ng ulan, kahapon dulot ng habagat.

Sa datos mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ilan sa mga siyudad na binaha ay ang Maynila partikular sa: Pedro Gil - Quirino Ave N/B, gutter deep; España - Lacson intersection; España cor. dela Fuente, below Gutter deep; Kalaw Roxas Blvd N/B, Gutter deep, España Blvd. Antipolo; Along Tayuman st. Abad Santos- Half Tire (12”); at Moriones cor. N. Zamora, below gutter deep.

Sa Valenzuela, binaha ang: Mac Arthur Highway cor. T. Santiago Cuevas, Dalandanan- Knee deep; Mac Arthur Highway - Footbridge, Dalandanan, Half Tire; Mac Arthur Highway - Wilcon, Dalandanan, Half Knee; MH Del Pilar St. Arkong Bato; G. Lazaro, Dalandanan- Tire deep; at Bypass, Veinte Reales- Tire deep.

Sa Quezon City, binaha ang: E.Rodriguez Araneta, Knee deep; Araneta - Ma.Clara, Half Knee; G.Araneta intersection Baloy St, Knee deep; at D.Tuazon Q. Ave, Gutter deep. 

Habang sa Pasay City, binaha ng hanggang gutter ang Andrew Avenue hanggang Tramo.

Inihayag ni Manila spokes­person Atty. Princess Abante na sinuspinde ang pasok sa Manila City Hall, maging sa kanilang mga satellite offices, dahil sa sama ng panahon. Hindi kasama dito ang mga departamento at opisina na sangkot sa disaster at emergency response.

FLOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with