^

Metro

Permit ng nasunog na t-shirt printing shop sisilipin ng Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Permit ng nasunog na t-shirt printing shop sisilipin ng Quezon City LGU
Kabilang sa aalamin ng naturang mga tangapan kung may nagawang pag­labag sa National Building Code, Fire Code of the Phi­lippines, zoning ordinance, business permit, occupancy permit at iba pang mga batas at ordinansa ang naturang negosyo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Binubusisi ng Department of Building Official (DBO) at Business Permit and Licensing Department (BPLD) ng Quezon City government kung may sapat na permit at dokumento ang nasunog na bahay na ginawang t-shirt printing shop sa isang residential area sa Brgy. Tandang Sora na ikinamatay ng 16 katao kahapon ng umaga.

Kabilang sa aalamin ng naturang mga tangapan kung may nagawang pag­labag sa National Building Code, Fire Code of the Phi­lippines, zoning ordinance, business permit, occupancy permit at iba pang mga batas at ordinansa ang naturang negosyo.

“Nais naming tiyakin sa publiko, lalo na sa pamilya ng mga biktima, na bibig­yang-prayoridad namin ang malalimang imbestigasyon upang mapanagot ang mga ahensya o indibidwal na nagkaroon ng pagkukulang na nagdulot ng insidenteng ito, kasabay ng pagpapatupad ng mga dagdag na hakbang at polisiya para maiwasang maulit ito sa hinaharap”, ayon sa press statement ng QC LGU.

Samantala, nakitaan naman ng BFP at ng QC LGU ng maraming paglabag ang naturang printing shop.

Kinumpirma naman ni Mayor Joy Belmonte walang building permit sa ilalim ng pangalan ng may-ari ng nasunog na bahay. Maging ang idineklara bilang ng emple­yado ay hindi rin tumugma sa nasunog na printing shop.

Tanging barangay permit lang umano ang pinanghahawakan ng printing shop kaya hindi dapat ito nag-ooperate.

Una nang nagpaabot ng pakikiramay ang lokal na pamahalaan ng Q sa pamilya at kaanak ng mga biktima sa naganap na sunog.

Ayon sa Social Services Development Department (SSDD) na patuloy na ina­alam ang mga mga kamag-anak ng mga nasawi para mabigyan ng karampatang tulong at anumang serbisyo na kinakailangan ng kanilang pamilya.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with