3 ‘holdaper’ sa Waterfun sa Taguig, arestado
MANILA, Philippines — Nalambat ng awtoridad ang tatlong lalaki na sinasabing responsable sa panghoholdap at snatching sa madilim na bahagi ng C5 Waterfun sa Taguig City kasunod ng nag-viral na video sa mga insidente ng holdapan sa lugar.
Kinilala ang naarestong sina Jeaford Dela Torre, 28-anyos; Jhon Paul Dagpin, 20-anyos; at Raffy Mirafuentes, 23- anyos.
Sa ulat ng Southern Police District (SPD), magkasunod na araw ang isinagawang pinaigting na operasyon ng Taguig City Police Substation 3 at 2 sa lugar nitong Agosto 24 at 25.
Sa Oplan Galugad, ang mga nakasilbilyang operatiba ang nagmanman sa gabi hanggang madaling araw kung saan natiyempuhan nila ang mga suspek na sinasabing nagkukubli sa dilim para abangan ang mga bibiktimahin.
Sinita ang tatlo ng mga operatibang nakasuot sibilyan at dito sila nasamsaman ng ilang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.
Lumutang naman sa Taguig City Police Station nitong Agosto 26 ng hapon at positibong kinilala ang mga suspek na siyang bumiktima sa kanya.
Nagpasalamat si SPD Director P/Brig. General Roderick Mariano sa pakikpagtulungan ng concerned citizens, barangay, force multipliers at lokal na pamahalaan sa matagumpay na pagresolba sa isyu sa C5 Waterfun.
Inirekomenda rin ng pulisya sa LGU ang pagpapaliwanag lalo na sa madilim na bahagi ng cloverleaf ng Western Bicutan, at ang pagtatabas sa mga sanga na nakaharang sa liwanag ng ilaw, pagpapalit ng pundidong bumbilya at paglalagay ng CCTV.
Nangako naman ang Taguig Police na mas palalakasin ang presensya ng kapulisan sa erya para sa mas ligtas na komunidad.
- Latest