MANILA, Philippines — Patuloy ang isinasagawang distribusyon ng Quezon City Government ng mga school supplies sa mga estudyante sa pampublikong paaralan sa lungsod bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng kl;ase sa Aug. 29.
Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte ang pag-iikot sa ilang eskwelahan sa lungsod para personal na ipamahagi ang libreng mga gamit sa eskwela sa mga estudyante mula sa Esteban Abad Elementary School, Lucas R. Pascual Elementary School, Rosa Susano Elementary School, Payatas Elementary School, Cubao Elementary School, at Pinyahan Elementary School sa QC
Ayon sa LGU, nakadepende ang laman ng bawat bag sa pangangailangan ng mga estudyante sa kada grade level.
Aabot naman sa higit 458,000 school supplies ang target ipamahagi ng lokal na pamahalaan sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa lungsod.
Bukod dito, bawat estudyante rin mula Grade 1 hanggang Senior High School ay makakatanggap ng tablet na magagamit nila sa kanilang pag-aaral.
Isasailalim din ang mga estudyante sa eye check-up para malaman kung kailangan nila ng salamin.
Patuloy din ang pagsasaayos ng lungsod sa mga pasilidad at equipment ng mga paaralan.