^

Metro

Quezon City LGU, namahagi na rin ng school supplies sa mga mag-aaral

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quezon City LGU, namahagi na rin ng school supplies sa mga mag-aaral
Officials of Pinyahan Elementary School receive learning materials such as school bags, notebooks, papers, and other items from the local government of Quezon City on August 9, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Patuloy ang isinasagawang distribusyon ng Quezon City Government ng mga school supplies sa mga estud­yante sa pampublikong paaralan sa lungsod bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng kl;ase sa Aug. 29.

Pinangunahan  ni QC Mayor Joy Belmonte ang pag-iikot sa ilang eskwelahan  sa lungsod para personal na ipamahagi ang libreng mga gamit sa eskwela sa mga estudyante mula sa Esteban Abad ­Elementary School, Lucas R. Pascual Elementary School, Rosa Susano Elementary School, Payatas Elementary School, Cubao Elementary School, at Pinyahan Elementary School sa QC 

Ayon sa LGU, nakadepende ang laman ng bawat bag sa pangangailangan ng mga estudyante sa kada grade level.

Aabot naman sa higit 458,000 school supplies ang target ipamahagi ng lokal na pamahalaan sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa lungsod.

Bukod dito, bawat estudyante rin mula Grade 1 hanggang Senior High School ay makakatanggap ng tablet na magagamit nila sa kanilang pag-aaral.

Isasailalim din ang mga estudyante sa eye check-up para malaman kung kailangan nila ng salamin.

Patuloy din ang pagsasaayos ng lungsod sa mga pasilidad at equipment ng mga paaralan.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with