Truck ban ipapatupad sa Valenzuela dahil sa FIBA World Cup
MANILA, Philippines — Ipagbabawal muna ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang pagdaan ng mga truck na may gross weight na 4,500 kg pataas sa ilang kalsada sa lungsod.
Ito’y bilang paghahanda sa FIBA Basketball World Cup 2023 na gaganapin sa Philippine Arena sa Agosto 25.
Sa abiso ng Valenzuela LGU, ipapatupad ang truck ban mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:59 ng gabi sa Biyernes.
Ilan sa mga daan sa lungsod na hindi papayagang madaanan ay ang kahabaan ng McArthur Highway mula Tullahan bridge hanggang sa boundary ng Valenzuela at Meycauayan.
Gayundin ang MH del Pilar simula sa boundary ng Santolan, Malabon at Arkong Bato hanggang Malanday corner McArthur highway; kahabaan ng Gov .Santiago simula Tatawid bridge hanggang McArthur Highway.
Kabilang din ang T. Santiago corner McArthur Highway, Maysan Road, Paso de Blas. Simula Paso de Blas hanggang T. Santiago Canumay gayundin sa Gen. Luis boundary ng Caloocan City at Valenzuela City hanggang NLEX.
- Latest