^

Metro

Mga kakandidato sa BSKE, binalaan sa ‘pre-mature’ campaigning

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga kakandidato sa BSKE, binalaan sa ‘pre-mature’ campaigning
Commission on Elections (Comelec), government agencies, and concerned sectors hold a briefing and security command conference for the upcoming Barangay and SK elections (BSKE) at Camp Crame in Quezon City on August 22, 2023.
Photos by Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Makaraan ang paglabasan sa mga social media sites ng mga linyada ng mga tatakbong grupo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) kahapon sa mga kakandidato na maaaring madiskuwalipika kung masasangkot sa ‘pre-mature campaigning’.

Ipinaalala ni Comelec Chairman George Garcia, na maaari lamang na mangampanya ang mga kandidato sa official campaign period para sa halalan na itinakda sa Oktubre 19-28.

Paliwanag pa ni Garcia, ang premature campaigning ay may katumbas na kulong na isa hanggang anim na taon at diskuwalipikasyon.

“Bawal umikot. ‘Yung pamimigay ng ayuda na wala namang ayudang dapat ipamigay at hindi naman regular na ginagawa ay pangangampanya na ‘yan,” paliwanag ni Garcia.

Batay sa calendar of activities na inilabas ng Comelec, magsisimula ang election period sa Agosto 28. Dito magsisimula na rin ang gun ban at public works ban, gayundin ang social services ban, maliban na lamang kung may eksempsyon mula sa poll body.

Maaaring maghain ng certificates of candidacy (COC) ang mga kandidato mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2. Ang election day naman ay nakatakda sa Oktubre 30.

vuukle comment

COMELEC

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with