Pulis-EMBO, kontrolado pa rin ng Makati Police – PNP

MANILA, Philippines — Mananatiling kontrolado ng Makati City Police ang mga pulis na nakatalaga sa Community Police Stations na sa EMBO (Enlisted Men’s Barrio) barangays.

Ito ang binigyang diin ni Philippine National Police spokesperson Col. Jean Fajardo kung saan sinabi nito na nakikipag-ugnayan na sila sa Makati at Taguig local government para sa maayos na transition.

Ayon kay Fajardo, susundin lamang nila ang kautusan ng Korte Suprema sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Paglilinaw ni Fajardo, pulis lamang ang mananatili sa Makati at hindi ang mga police stations. Ang mga police community precinct stations ay mapapasailalim na ng Taguig City Police Station.

“Ang magiging concern lamang on the part of the PNP dahil nga yan pong mga areas na dati ay nasa ilalim ng Makati police station ay ititurnover na yan sa  Taguig CPS yung mga personnel ng Makati will remain doon sa Makati pero ang pinaplano diyan para magkaroon din ng transition ay may maiiwan na mga ilang personnel Makati CPS para alalayan din yung mga magtatake over na pulis na galing sa Taguig,” ani Fajardo.

Show comments