600 solo parents sa Quezon City, nabiyayaan ng ‘Tindahan ni Ate Joy’ program

Aabot sa 600 solo parents sa lungsod ang nabigyan ng grpceries na nagkakahalaga ng P10,000 mula sa Quezon City Government, sa ilalim ng ika-11 batch ng Tindahan ni Ate Joy program.

MANILA, Philippines — Nabiyayaan ng programang pangkabuhayan ni Quezon City  Mayor Joy Belmonte ang may 600 solo parents sa ilalim ng ‘Tindahan ni Ate Joy’   sa isang simpleng se­remonya sa Quezon City.

Sa ilalim ng programa, tatanggap ng may halagang P10,000 grocery items ang bawat benepisyaryo ng programa na mga solo parent para sa kanilang pangkabuha­yang sariling sari-sari store na mapagkukunan ng  ikabubuhay ng kanilang mga pamilya.

Pinangunahan ni Mayor Belmonte kasama si Councilor Ellie Juan ang pormal na turn-over ng mga grocery items sa mga benepisyaryo kabilang din dito ang mga dating persons deprived of liberty (PDL), at survivors ng violence and abuse na tinulungan ng Quezon City Protection Center (QCPC).

Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Mayor ­Belmonte na batid ng lokal na pamahalaan ang hirap na dinaranas ng mga solo parent kaya sila ang prayoridad sa mga programa ng LGU.

Ito na ang ika-11 batch ng ‘Tindahan ni Ate Joy’ program na nagsimula noon pang 2013 noong bise-akalde pa ito.

Bukod sa grocery items ay sumasailalim din ang mga benepisyaryo sa mga pagsasanay para sa tamang pamamalakad ng kanilang negosyo at wastong pagpapaikot ng kanilang kita para sa kapakanan ng kani-kanilang mga pamilya.

Show comments