^

Metro

Senior citizen, patay sa bundol ng fire truck

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Senior citizen, patay sa bundol ng fire truck
Nakilala ang nasawi na si Violita Ferrer Estabillo, 62, isang vendor at residente sa Albuquerque St , Tondo.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang senior citizen, habang nasa walo pa ang sugatan nang mabundol ang mga ito ng isang fire truck na rumeresponde sa isang sunog sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Violita Ferrer Estabillo, 62, isang vendor at residente sa Albuquerque St , Tondo.

Inoobserbahan ngayon sa Mary Johnston Hospital ang nasaktan na si Irene See, isa ring senior citizen, habang nakauwi na ang pitong iba pa matapos na isailalim sila sa medical examination.

Sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, binabagtas ng Firetruck Smokey Pumper 125 ang kahabaan ng westbound lane ng P. Herrera- 1st Street, malapit sa kanto ng  Albuquerque Street, Tondo nang mahagip ang mga biktima, dakong alas-5:30 ng umaga.

Sa imbestigasyon, iniwasan umano ng fire truck ang mga tent sa kahabaan ng kalye ngunit ang mga tao na nasa kabilang bahagi ng kalsada naman ang nabundol nito.

Pinakanapuruhan si Estabillo na tumilapon pa bago bumagsak sa kalsada. Agad siyang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit nalagutan din ng buhay.

Nahaharap naman nga­yon sa kasong homicide through reckless imprudence ang tsuper ng fire truck na hindi na muna pinangalanan ng pulisya.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with