^

Metro

Tulong sa binaril na pulis sa istasyon, pinamamadali ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Tulong sa binaril na pulis sa istasyon, pinamamadali ng PNP
Members of the Philippine National Police (PNP) on July 24, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Pinamamadali na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang proseso sa benefit claims ni Police Executive Master Sgt. Heriberto Saguiped, ang pulis na napatay sa loob ng Taguig City Police nitong Lunes.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief PBGen. Redrico Maranan, lahat ng karampatang tulong sa naulilang pamilya ni Saguiped ay kanilang aasikasuhin at ibibigay sa lalong madaling panahon.

Gayundin ang benefit claims ng sugatang si P/Corporal Alison Sindac.

Matatandaang nag- amok sa loob ng police station ang pulis na si Chief Master Sergeant Al-Raquib Aguell matapos malaman na sinigang na baboy ang ulam na niluto ng kanilang cook.

Kasunod nito, nagpaabot ng pakikiramay ang PNP sa pamilya ni Saguiped.

Ani Maranan, labis na nalulungkot ang PNP sa sinapit ng kanilang kasamahan sa organisasyon.

Dagdag ni Maranan, hindi dapat kinakikitaan ng dahas ang mga pulis at dapat pa nga na sila ang nagpapakita ng ehemplo sa publiko.

Tinawag naman ng PNP na isolated case ang insidente kung saan pagtutuunan ng kanilang im­bestigasyon ang “individual demeanor” ng suspek na si Aguell na sinasabing may underlying medical condition kaya nag-amok at namaril ng kapwa pulis.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with