^

Metro

Mga pamilyang nasunugan sa Maynila, binigyang ayuda

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namahagi ng tulong-pinansiyal si Manila Mayor Honey Lacuna sa ilang pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa  Port Area, Manila kamakailan.

Muling nagpaalala si Lacuna sa mga nasunugan na laging unahin ang pagsagip sa sarili nilang buhay at ng kanilang mga mahal sa buhay sa halip na ang kanilang mga ari-arian na  mapapalitan, hindi tulad ng mga buhay.

“Walang may kagustuhan na tayo ay masunugan pero katulad ng lahat ng Pilipino, tayong mga Manilenyo ay baba­ngon at babangon, kahit kailan ang mangyayari sa atin at ang inyong pamahalaan ay inyong kaagapay upang makabangon muli,” ani Lacuna.

“Pipilitin naming kayo ay matulungan pa sa mga susunod na araw,” dagdag pa niya.

Ayon kay Manila department of social welfare chief Re Fugoso, may kabuuang 375 pamilya at 14 na ‘unattached’ na indibidwal ang nakatanggap ng tig-P10,000.

Noong nakalipas na linggo nang masunog ang nasa 60 bahay sa Tamburong, Barangay 650, Port Area, Maynila ang natupok ng apoy na tumagal ng limang oras.

Mabilis na kumalat ang apoy sa residential area kung saan gawa sa light materials ang mga bahay.

Walang naiulat na namatay o nasaktan at tinitingnan ng mga imbestigador kung ano ang sanhi ng nasabing sunog.

PORT AREA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with