MMDA tutulong sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga paaralan sa Metro Manila

Nakiisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ikinasang Brigada Eskwela Program ng Department of Education (DepEd) bilang pag­hahan­da sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa August 29, 2023. Katuwang ang mga tauhan nito sa paglilinis at repair sa mga paaralan na pinasimulan sa Pateros Elementary School sa Brgy. San Pedro, Pateros.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tutulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pag­lilinis at pagkukumpuni ng mga paaralan sa Kamaynilaan sa ilalim ng Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) bago sumapit ang pasukan ng mga mag-aaral.

Sinampolan ng MMDA ang pangunguna sa pagtatanggal ng bara sa mga drainage, pagpipintura sa mga pader, pag-trim sa mga puno, clearing ope­rations sa mga bangketa, pagpintura sa mga pedestrian lanes, misting, pagkumpuni ng mga upuan, pinto, lamesa, blackboards, furnitures at paglalagay ng mga signages na ‘no-smoking at ‘no vaping’ sa Pateros Elementary School sa Brgy. San Pedro, Pateros kahapon.

Ayon sa MMDA Public Information Office, isasagawa ito ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila, depende sa kahilingan ng mga school officials.

Bukod sa mga nabanggit na gawain, magbibigay rin ang MMDA ng ‘traffic management’, magpapadala ng mga ‘transport vehicles,’ at magsasagawa ng ‘emergency quick res­ponse’ sa mga paaralan kung kinakailangan.

Lumahok din naman sa Brigada Eskwela ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, napakaimportante na turuan ang mga mag-aaral sa murang edad ng panga­ngalaga sa kanilang paaralan at pagiging malinis.

Show comments