^

Metro

Vloggers, binalaan ng pulisya sa paggawa ng content

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalaan ng Las Piñas City Police ang mga vlogger na maaari silang ma­tulad sa tatlong content creator na nagsagawa ng “kidnapping prank” sa lungsod na nakasuhan at nakulong sa bisa ng warrant of arrest.

Sa ulat, noong Agosto 1, 2023 nang boluntar­yong sumuko sa Warrant and Subpoena Section Las Piñas City Police Station sina Eleazar Steven Fuentes, 19-anyos; Mark Lester San Rafael , 35; at Mark Heroshi San Rafael, 35.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Hon Judge Lynnette May D Deloria-Manarang ng  Metropolitan Trial Court Branch 124, Las Piñas City kaugnay sa nilikhang komosyon ng kidnapping prank noong Abril 6, 2023, kung saan nag-react ang isang off-duty na miyembro ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG).

Nang masaksihan ng pulis ang pagkidnap sa isang lalaki ng mga lalaking nakasuot ng bonnet ay agad na nagpakilalang pulis ang IMEG at tinutukan sila ng baril.

Dahil bailable naman ang kaso, nakalaya pansamantala ang tatlo matapos magpiyansa kinabukasan (Agosto 2).

ELEAZAR STEVEN FUENTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->