Red Cross nagbabala sa banta ng leptospirosis
MANILA, Philippines — Dahil sa pagkakaroon ng mga matinding pagbaha dulot ng bagyo at habagat ay pinag-iingat ng Philippine Red Cross ang publiko dahil sa posibilidad ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Dick Gordon, seryosong banta sa kalusugan ang leptospirosis na galing sa bacteria ng ihi ng daga na maaaring magdulot ng kamatayan kapag hindi naagapan.
Kasama sa mga sintomas nito ang mataas na lagnat, pamumula ng mata, pananakit ng tiyan, pagdudumi at pagsusuka.
Ipinayo ni Gordon sa publiko na iwasan ang paglusong sa baha at kung hindi maiiwasan ay kailangang gumamit ng bota bilang proteksyon.
Kung sakali anyang makaramdam ng mga sintomas ay agad magpakonsulta sa mga health center para maasistihan kung paano ang mga gagawin para malunasan ang karamdaman.
- Latest