Most wanted sa Malabon, timbog

Arrested stock photo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga ope­ratiba ng pulisya ang number 1 most wanted sa Malabon City sa isinagawang manhunt operation sa lungsod ng Navotas, Sabado ng umaga.

Kinilala ang naarestong akusado na si Jumbo Matabang, 33, ng Brgy. NBBS Kaunlaran, Malabon City.

Ayon sa ulat, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas City Police matapos maispatan ang presensya ng target na wanted sa kanilang lugar.

Agad namang ikinasa ang operasyon na nag­resulta sa pagkakaaresto sa naturang wanted dakong alas-9:45 ng umaga sa Bangus St., Brgy. NBBS-Kaunlaran.

Hindi na nakapalag ang nasabing wanted matapos namang mapalibutan ng arresting team ang nasabing lugar.

Ayon sa opisyal ang akusado ay inaresto  sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 74, Judge Pedro Tulud Dabu Jr., noong ­Hunyo 16, 2023 sa kasong murder at attempted murder.

Pansamantala namang ipiniit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas Police habang hinihintay pa ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.

Show comments