747 pasaway na business establishments nationwide, sinalakay ng BIR
MANILA, Philippines — Sinalakay ng puwersa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang may 747 mga tindahan, warehouses, at ibat-ibang establisimyento sa bansa.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., lahat ng negosyante at may-ari ng mga sinalakay na negosyo ay sasampahan ng kaso at sisirain ang mga nakumpiskang kalakal na hindi binayaran ng tamang buwis sa gobyerno.
Ang kabuuang tax liability ng mga non-compliant businesses ay hindi pa malinaw dahil sumasailalim pa sa proseso ng imbentaryo ang lahat ng nasamsam na kalakal.
May dalawang araw ang isinagawang national enforcement activity na pinangunahan ni Commissioner Lumagui, kasama ang lahat ng Revenue Regional office at Large Taxpayers Service Office ng BIR.
Muling nagpaalala si Lumagui sa mga business stablishment owners na magbayad ng kaukulang excise taxes sa kanilang mga kalakal upang hindi maparusahan ng batas alinsunod sa Tax Law.
- Latest