Protesta kontra Maharlika
MANILA, Philippines — Nagkasa ng ‘indignation rally’ ang iba’t ibang militanteng grupo sa Mendiola sa Maynila kontra sa pagpirma bilang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Maharlika Investment Fund (MIF) na tinawag nilang isang ‘scam’.
Dumagsa sa kalsada ang mga miyembro ng militanteng grupo na nagpahayag ng kanilang pagdududa sa pupuntahan ng pondo.
Tinawag ng mga raliyista ang Maharlika Fund na isang ‘scam’ at lalo lang umano magdadagdag sa dinadalang hirap ng mga Pilipino lalo na iyong mga nasa ibaba ng ‘poverty line’.
Nagbigay naman ng seguridad ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa programa na nag-umpisa dakong alas-9:12 ng umaga at nagwakas ng alas-10 ng umaga. Payapa na nag-disperse ang mga raliyista matapos ang kanilang programa.Nananawagan ang mga militanteng grupo na sa halip na mga kontribusyon ng mga Pilipino, gamitin na lamang para sa MIF ang mga sobrang pondo ng mga ahensya ng pamahalaan.
- Latest