^

Metro

SCTEX Pasig Potrero Bridge pansamantalang isinara

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
SCTEX Pasig Potrero Bridge pansamantalang isinara
Sa isang public advisory ng NLEX at SCTEX, nabatid na ang temporary closure ng naturang tulay ay ipinatupad dakong alas-3:30 ng hapon para na rin sa kaligtasan ng mga motorista at bilang precautionary safety measure, at sakop nito ang lahat ng uri ng behikulo.
STAR/ File

Dahil sa pagdaloy ng lahar

MANILA, Philippines — Nagpatupad ang North Luzon Expressway (NLEX) at ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) ng temporary closure sa SCTEX Pasig Potrero Bridge kahapon ng hapon, bunsod ng patuloy na pagdaloy ng lahar floods na dulot ng walang tigil na malalakas na pag-ulan.

Sa isang public advisory ng NLEX at SCTEX, nabatid na ang temporary closure ng naturang tulay ay ipinatupad dakong alas-3:30 ng hapon para na rin sa kaligtasan ng mga motorista at bilang precautionary safety measure, at sakop nito ang lahat ng uri ng behikulo.

Inaasahang maaapektuhan nito ang northbound at southbound lanes sa pagitan ng Clark at Subic sa Pampanga.

Habang isinusulat naman ang balitang ito ay kasalukuyan pang nagsasagawa ng safety inspection ang mga kinauukulan sa tulay.

“Due to constant heavy rains, we are conducting safety inspections and will temporarily close the SCTEX Pasig Potrero Bridge starting 3:30pm of Sunday, July 16, 2023 until further notice, as a precautionary safety measure,” nakasaad pa sa paabiso.

Tiniyak naman ng NLEX at SCTEX na kaagad silang maglalabas ng abiso sakaling muli nang bubuksan ang naturang naturang tulay sa mga motorista.

Dagdag pa nito, “Affected routes will be northbound and southbound between Clark and Subic. Please take alternate routes. We will issue another advisory once we have ensured the safety of motorists using the bridge.”

“For further information, please call 1-35000 or message our NLEX Facebook and Twitter accounts @NLEXexpressways. Thank you for your understanding and coo­peration,” anito pa.

Samantala, pinayuhan din nila ang mga apektadong motorista na gumamit muna ng mga alternatibong daan patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Anang NLEX at SCTEX, ang mga moto­ristang mula sa Maynila patungong Subic ay maaaring dumaan sa NLEX San Fernando Exit, diretso sa Jose Abado Santos Avenue hanggang Subic; habang ang mga mula naman sa Tarlac patungong Subic ay maaaring dumaan sa SCTEX patungong NLEX San Fernando Exit diretso sa Jose Abad Santos Avenue hanggang Subic.

Ang mga Class 1 vehicles ay maaari naman umanong dumaan sa SCTEX Clark South Exit patungong Friendship Highway, diretso sa Angeles Porac Junction hanggang makarating ng SCTEX Porac Entry.

Ang mga sasakyan namang mula Subic patungong Manila/Tarlac ay maaaring dumaan sa Jose Abad Santos Avenue patungong NLEX San Fernando Entry hanggang sa makarating sa Manila/Tarlac.

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with